

Remembering this day Sept.21, one of the horrific and tragic moment happened in the history of the Philippines. Martial Law was declared by President Marcos to suppress and repress most of the people. Rampant violence, forced disappearance, arrest, killings and torture experienced by dissidents and common people who are criticizing the authoritarian regime at that time.
Today, Duterte’s administration was also following the path for being a totalitarian and a fascist by putting people’s lives on his own hands defying constitutional and human rights. Declaring Martial Law in Mindanao and instigating War on Drugs policy by killings thousands of poor people. This regime are misleading the people by their fake news by putting their effort on drug related issue to stop criminality and not confronting the real problem of the society, that social injustice like poverty, no job opportunity, no social welfare, forced displacement are the main cause and this injustices are already violence.
As our attempt to express our sentiments against this atrocity. We planned to gather in Luneta Park to have a picnic, Food Not Bombs mass feeding, Really Free Market, mobile library, culture jamming, Radyo Kalye and many more. More than 40 participants show their support engaging ourselves with the homeless community who sleep and stay in the park. Homelessness are one of the awful problem happening in the Philippines and no government since before could make a solution.

“Ang Pekeng Balita ay Karahasan”
Uso ang peke. Pekeng pera, pekeng produkto, pekeng kwento, pekeng buhok, pekeng droga at pekeng balita. Hindi ko lang alam kung may Peking duck.
Marahil ay walang ibang layon ang pamemeke kundi manloko. Bakit? Dahil ikinukubli nito ang totoo. Hindi makikita ng ibang tao ang tunay kalagayan dahil ito ay natabunan ng nagpapanggap na katotohanan. Maaring nakabili ka ng murang pekeng produkto, kung ang hanap mo ay branded ikaw ay naloko. Ngunit kung sadya namang bumili nito ang korporasyon ang nagoyo. Ang paggamit ng pekeng buhok ay isa ring porma ng panlalansi, kung wala mang layon na masamang intensyon naikubli ang katotohanan, ang kasalatan sa buhok ay natatabunan.
Ang magpakalat ng pekeng balita at istorya ay likas na masama. Ito ay may pagtatangka na itago, pagtakpan o iligaw ang mga tao sa tunay na kalagayan para protektahan ang interes, posisyon o layunin ng isa o grupo ng mga tao.
Ang pamemeke ng tunay na kalagayan ay mapaminsala. Iyong nakakaligtaan na ang tunay na kalagayan ay ang kahirapan at kagutuman ng karamihan. Nagaganap ito dahil may iilang tao lang ang may hawak at kontrol sa mga yaman ng lipunan. Ang mga lupain, ari-arian at mga pasilidad na makakalikha ng ating mga batayang pangangailangan ay kontrolado ng iillan dahil sa kanilang mga posisyon at impluwensya sa pamahalaan.
Binentahan ang mga tao ng pekeng riyalidad. Sa pekeng riyalidad na ito nakatuon ang atensyon at nagiging bulag sa mahalagang usapin na may direktang kinalaman sa mismong buhay natin. Halimbawa, bakit hindi tayo nagagalit sa napakababa na batayang sweldo ng manggagawa? Habang hindi mapigilan ang pagtaas ng presyo ng mga batayang bilihin at serbisyo.
Laganap ang pagnanakaw sa pamahalaan, sa halip na mapunta ang salapi sa mga serbisyong panlipunan ito ay isinisilid sa bulsa ng iilan. Makakarinig tayo ng pagtangis subalit sa kabuuan ay business as usal ang mga kawatan.
Sa tuwina’y bukam-bibig ang proteksyon ng kalikasan ngunit patuloy ang pagmimina, pagputol ng mga kahoy, pagbubuga ng carbon emission at pagkakalat ng basura at lason sa kapaligiran.
Bakit hindi tayo nag-aalburuto sa daan libong tao at pamilyang walang tahanan na nakakalat sa mga lansangan? Ang mga bata, matatanda o kababaiahan may kapansan na naghihingi ng awa, sa halip mag-abot ng suporta, mas mabilis pang sisihin sila sa kanilang katamaran at kabobohan. Ating nakakalimutan na ang kawalan ng marami sa atin ay dulot ng kontrol ng iilan lang.
Walang pag lagyan sa kasaganahan ang mga lider at pulitiko ng mga partido, korporasyon at simbahan habang malawak na bilang ng tao ay nag-aagawan sa mumo at tira-tira ng mga de-prebelehiyong iilan.
Hindi mo na pinapansin ang mga iyan dahil ang atensyon mo ay nasa PEKENG BALITA. Natutuwa ka bang makita na ang kapwa mo mahirap ay pinatay dahil sa akusasyon pa lang? Sabihin na nating adik nga siya o nagbebenta ng tingi-tinging shabu, ito kaya ay sapat na batayan upang siya ay kitlin?
Totoong may mga karahasan kaugnay sa illegal na droga; maaring ito ay sikolohikal na epekto o onsehan sa bentahan hindi ito dapat na pagtakpan. Marapat lang na masugpo ang ganitong mga karahasan. Ngunit iyo ding pag-isipan; gaano kaya karami ang buhay na nasayang dahil sa digmaan sa pagitan ng mga pulahan at pamahalaan? May ideya ka kaya sa bilang ng mga napatay dahil sa tunggalian ng mga sundalo at mga rebeldeng muslim? Nakita mo rin kaya na sa simpleng alak lang ay napakarmi na ring insidente ng patayan?
Dahil sa pekeng balita, hindi mo na alintana ang higit na seryosong usapin. Hindi mo na napagtuunan ng atensyon ang mga isyung may malalim na pinsala sa ating lipunan katulad ng kagutuman, kahirapan, diskriminasyon at pagkasira ng kalikasan.
Sa halip ay nalilibang ka sa mga nakasalansan na bangkay sa paniniwalang ang pagiging sangkot sa droga ay higit na masama kaysa pagpatay, pandarambong sa kaban ng bayan, kawalan ng mga disenteng pabahay, kawalan ng lupang sakahin, patuloy na digmaan at pagkawasak ng kalikasan.

Samantala, Septyembre 21 ay ika- 45th na taong deklarasayon ng martial law. WALANG DAPAT IPAGDIWANG.
Ang atin ay pag-alaala sa MALAWAKANG KARAHASAN ng Gobyerno laban sa mga tao.
Si Marcos sampu ng kanyang mga cronies ay bangag sa kapayangrihan at hayok sa yaman.
PANANAKIT, PANANAKOT, PAGPATAY, PAMIMILIT ang kanilang gamit.
NANGAMKAM, NAGNAKAW, NANDAYA, NG TORTURE, NANGIDNAP, AT PUMATAY NG LIBO. Ilan ito sa mga dapat nating maala-ala upang makaiwas sa mga katulad na sakuna.

Sa TOTOO, hati ang maraming tao. Ito naman kasi ang gusto ng mga pulitiko. Ang magbakod at maghiwalay sa mga tao. Kaaway ang hindi kapanalig sa pulitika. Ang DEMOKRASYA ay NAKAKATAWA, ang oposisyon kinikilala pero ang layon ay lupigin ang hindi katulad. Sa pagturing na ang sarili at kinabibilangang grupo o partido ay higit na superyor kontra sa iba. Ikaw ay may “matalas na linya” habang ang iba ay “totoong sosyalista”. Sila naman ang may “totoong pananampalataya” at “huwad” naman ang sa iba.
Nakalimutan mo na pwedeng-pwede na sa iyong sarili ang pagpapasya. Desisyon na may pagkilala sa iyong interes, kapamilya, komunidad at kalikasan. Hindi ang IPAGTANGGOL ang interes ng iilan. Por diyos por santo! Matagal mo ng alam na ang mga pulitiko at partido ay pinakikilos lang ng kanilang interes na manatili sa kapangyarihan. Huwag ka magbulag-bulagan dahil kitang-kita mo na sila lang din ang may kontrol sa mga yaman. Hindi pa rin ba natatauhan? Ilang beses na bang nagpalit ng administrasyon, iba-ibang konsumisyon at iisa ang ating sitwasyon. GUTOM at MANGMANG pinaiikot sa palad ng mga may kapangyarihan. Aber mabibigyan mo ako ng pamamahala na naalis ang kahirapn, kagutuman, matinong serbisyong panlipunan? At sa karanasan wala ring matinong PULAHANG PAMAHALAAN, higit pa ang karahasan nito sa maraming bansa sa iba’-t-ibang paraan.
Ating balikan ang IDEYA AT PRAKTIKA NG BAYANIHAN — ang pagtutulungan sa ating mga pamayanan. Pagbibigy suporta na walang kapalit na pabor. Ito ang relasyon na may pagkilala sa ating limitasyon at pagkilala sa kolektibong aksyon bilang mabisang solusyon sa ating mga problemadong sitwasyon.
Alam mo ba na ang pagyakap sa partido at mga grupo na ang layon ay maging boss, sentro at nagsasabi na siya lang ang tanging totoo ay likas na peligroso? Ang nais nito ay gawing iisa ang ating paniniwala at panlasa. Walang itong pagkilala sa likas nating pagkakaiba-iba. Kahit anong gawin mo, malawak ang pagkakaiba-iba ng mga komunidad sa arkipelago. Dapat nating kilalanin ang samut-saring kultura na umiiral sa maraming lugar hindi lang dito maging sa buong mundo.

ANG MGA PULITIKO KABILANG ANG MGA PASISTA ay kumikilos upang panatilihin ang kamangmangan natin ng sa gayon tayo ay patuloy na aasa sa kanila at habang tayo naman ay tuloy din sa pagsuporta sa kanila. SILA AY LUMILIKHA NG DINGDING SA PAGITAN NATIN. Ang dingding na ito ay nagsisilbing harang upang hindi natin makita ang katotohanan na habang may iilang may kontrol ng kapangyarihan at yaman ay mananatili ang kahirapan ng karamihan at pagiging marhinalasado ng malawak na bilang ng mga pamayanan.
ANG PEKENG BALITA AY MARAHAS HUWAG MANIWALA. PEKE ANG SINASABING PAGBABAGO. IKAW NA ANG MAKAPAGSASABI NG TOTOO MONG KUNDISYON. IKAW ANG DIREKTANG NAKAKARAMDAM NG TAKOT O MAARING POOT DAHIL NGA SA MGA KAGANAPAN NGAYON.